



Masaya ang Kapamilya singers na sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, at Gary Valenciano na nakahanap na ng bagong tahanan ang Kapamilya shows matapos manganib mawala ang mga ito sa free TV.
Noong December 17, 2025, inanunsiyo ng ABS-CBN na simula sa January 2, 2026 ay mapapanood na ang ilang Kapamilya shows sa ALLTV — ang pagmamay-aring istasyon ng bilyonaryong si Manny Villar.


Sa ngayon, napapanood pa ang Kapamilya shows na FPJ’s Batang Quiapo, Roja, What Lies Beneath, It’s Showtime, ASAP, at iba pa sa TV5 dahil sa kanilang content partnership.
Pero kumalas ang TV5 dito nitong unang linggo ng Disyembre dahil sa hindi raw pagre-remit ng ABS-CBN ng kanilang revenue shares mula pa taong 2023, na umabot na umano sa halos PHP1-B.
Read: Pagkalas ng TV5 sa ABS-CBN, paano makakaapekto sa GMA-7?
Dahil dito, naghanap ng bagong network ang ABS-CBN na pagpapalabasan ng kanilang prime shows, at natupad nga ito sa pamamagitan ng kasunduan nila sa Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS), mother company ng ALLTV.
Read: ABS-CBN signs deal with ALLTV, says TV5 partnership “settled”
Isa ang Concert King na si Martin Nievera sa naghayag ng kaligayahan na muling magbabalik sa dating frequency na Channel 2 ang ASAP Natin ‘To.
Saad ni Martin sa kanyang Instagram post: “There are times and places we cannot control, but the show must go on. We live to sing another day.
“As long as we have you the Filipino people to sing to and to sing for and to sing about and on a personal note, for as long as I have my kapamilya with me then it doesn’t matter where I end up.
“So it is with a grateful humble heart I thank all those who helped us pick up the pieces when times were down and thank you for lifting us up again.
“To @tv5manila and most especially to you #MVP thank you for taking us in when you did. We are forever grateful.”
Ibang kasiyahan daw ang dulot nito kay Martin, isa sa original hosts ng ASAP, dahil magbabalik na sila sa namulatang Channel 2.
Saad niya: “Now it’s time to go back to familiar ground as we live to sing another day! On January 2, with our first asap live on January 4, we ALL go back 2gether on the channel 2 frequency.
“Don’t ask me to explain all the details and translate the differences between frequency and French fries.
“All I know is it’s, ALL FOR ONE & ONE FOR ALL- 2GETHER ON2 thanks to our new home @alltv this is history again in the making, but this history can only be made possible if you ALL join us!
“Are you ALL IN? ALLTV – all for one & one for all – we are kapamilya no matter where we go!
“Meet us starting January 2 where Television numbers always started. On channel 2! There’s only one 2 ! See you, 1/2! @asapofficial live 1/4!
Merry Christmas Kapamilya!”
Read: ABS-CBN responds to TV5 pulling the plug on content partnership
Labis-labis din ang nararamdamang kaligayahan ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla ngayong magbabalik sa Channel 2 ang ABS-CBN at ang kinabibilangan niyang ASAP Natin ‘To.
Naluha raw siya sa natanggap na balita.
Instagram post ng singer-actress: “Grabe, I’m crying happy tears. And it really brings to mind our Christmas theme- Love, Joy, Hope.
“Full circle talaga! Ang dami naming natutunang lessons, at higit sa lahat, nanatili ang pagmamahal ninyong lahat sa amin. Sobrang saya sa puso, at ramdam na ramdam ang pag-asa ng panibagong taon!
“Naalala n’yo ba yung araw na napanood natin yung color bars ng mother station natin na nag-sign off? Ang lungkot noon, ramdam ng lahat. Imagine mo yun- makita mong magsara yung tahanan mo, ang Kapamilya station?
“Pero ngayong January 2, 2026, sobrang saya kasi magbubukas ulit ang Kapamilya station sa Channel 2!!! Sana naway manatili ito doon for many generations to come!”
Naniniwala rin si Zsa Zsa na may pag-asa talaga habang nabubuhay.
“Masaya ako na nanatili ako sa aking Mother station. Masaya ako na aabutan ko yung moment na magla-live tayo sa ASAP sa January 4… sa channel 2!
“Maraming salamat, Panginoong Jesus! Binigyan N’yo po kami ng masayang Pasko at pag-asa sa bagong taon!
Totoo talaga ang kasabihan- kapag may buhay, may pag-asa.
“Life comes full circle. #kapamilyaforever“
Read: TV5: “ABS-CBN has failed to pay what is due.”
Para naman kay Mr. Pure Energy Gary Valenciano, naniniwala siyang ito ay kagustuhan ng Panginoon.
Mensahe niya: “Even when times become tough to understand, God still remains faithful.
“To serve and to inform; to entertain and touch; to help and encourage; to inspire and uplift.
“All these are part of what we all have been called to do, and we will continue to do so in the service of the Filipino.
“ABS-CBN will be back on channel 2!!!!”
Read: ABS-CBN artist nag-sorry kay MVP dahil sa kuda ng ilang Kapamilya