



Masasabing madaming hatid na sorpresa ang taong 2025 para kay Aljur Abrenica at sa kanyang pamilya.
Isa na rito ang pag-amin ng dating sexy star na si AJ Raval noong November 12, 2025 na meron na siyang limang anak.
Ang dalawa ay anak ni AJ sa dating non-showbiz partner nito.
Tatlo naman ang anak nina AJ at Aljur: sina Alkina, Aljur Jr., at Abraham.
May dalawa ring anak si Aljur sa estranged wife na si Kylie Padilla: sina Alas at Axl.
Read: AJ Raval, umaming lima na ang anak; tatlo kay Aljur Abrenica
Kaya malaki ang pasasalamat ni Aljur dahil bukod sa may trabaho siya sa FPJ’s Batang Quiapo, maayos na ang kasalukuyang sitwasyon ng kanyang pamilya.
Saad ni Aljur sa panayam ng ABS-CBN News: “Nagpapasalamat ako dahil mula January at December na ngayon, hindi tayo pinabayaan ng Panginoon.
“Binigyan tayo ng mga blessings, through Direk Coco [Martin].
“Tapos higit sa lahat, yung… higit sa lahat, nabunutan tayo ng tinik.
“Yung pamilya ko ay, alam mo yun, puwede na kaming… hindi na kami nangangamba lumabas. Hindi na nagtatago.”
Ito raw ang dinarasal ni Aljur — na maging malaya sila ng kanyang mga anak na makita sa publiko at hindi na pinagbubulungan.
“Yun naman po yung pinagpapasalamat ko sa Panginoon, nabigyan ng kalayaan yung mga bata.
“Kasi yun ang gusto namin, maging masaya sila,” sabi ng aktor.
Read: Aljur Abrenica, di pa kumportable pag-usapan ang mga anak kay AJ
Dahil sa pag-amin ni AJ na mayroon na silang mga anak ni Aljur, malaya na sila ngayong nagpu-post ng bonding moments nila sa bahay.
Saad ni Aljur: “Laging ganun sa bahay. Laging ganun sa bahay.
“Yun yung ano namin, routine namin lagi. Naglalaro kasama yung mga bata. At happy ako na, ayun, nasa labas na.”
Maituturing ba niyang best Christmas gift ito para sa kanya?
Tugon niya, “For me, yes, oo, for me. Oo, yun ang pinakamagandang nairegalo sa akin ng Panginoon.”
At noong nakaraang linggo lamang, nag-upload si Aljur ng short Instagram Reel kung saan kasama niya ang kanyang apat na anak.


Nauna nang nagpahayag ng kasiyahan si Kylie Padilla dahil sa nakita niyang bonding ng kanyang mga anak at sa anak nina Aljur at AJ.
Sa Instagram noong November 23, nag-upload si AJ ng Reel kung saan makikitang nagbabasaan sina Alas, Axl, at Alkina.
Halatang enjoy na enjoy ang mga bata sa kanilang ginagawa.
Sabi ni AJ sa caption: “She’s growing up with kuyas who adore her… and that’s a blessing I’ll forever be grateful for.”
Komento ni Kylie: “Sarap panoorin [heart emoji]”
Read: Kylie Padilla reacts to her sons bonding with AJ Raval’s daughter