



Isang cycling enthusiast si Barnaby Wickham, 54.
Residente siya ng Baltimore, at nagtatrabaho siya sa marketing department ng isang defense technology company.
May kakaiba siyang koleksiyon.
Mayroon siyang naipong 700 hubcaps mula sa pamumulot sa tuwing nagbibisikleta siya sa kanilang area.


Hindi umano niya maipaliwanag kung bakit isang araw noong 2024 ay naisipan niyang iuwi ang napulot na hubcap.
Na-realize na lang niya na kakaibang saya at excitement ang nararamdaman sa tuwing nakakahanap siya.


Naiisip niyang balang araw, may mapaggagamitan din siya ng mga koleksiyon.
Aniya sa artikulong nalathala sa news website na apnews.com last December 17, 2025: “I love to cycle. I love Baltimore. I love to go out in Baltimore, and there’s just enough hubcaps and other things like car grills to be interesting, but not so many that it’s too easy.”
Read: Employee fired for reporting too early at work
Sa tuwing magba-bike si Barnaby ay nagdadala siya ng backpack.
Doon niya inilalagay ang napupulot na hubcaps.
Inililista rin niya kung saang lugar sila napulot.
Tinawag niya ang koleksiyon na “hubcaps in the wild.”
Nang malaman ng kanyang mga kapitbahay at kakilala ang kanyang hobby, ipinaaalam sa kanya ng mga ito kapag may nakitang nakakalat na hubcap at kung saan.
Read: Influencer gives PHP100M Christmas gift to 88-year-old cashier
Ang mga napupulot ni Barnaby na hubcaps ay iniiimbak niya sa garaheng nasa harapan ng kanilang bakuran.
Habang pinagmamasdan ang mga iyon, biglang nagkaroon siya ng idea.
Ano kaya kung gawin niya silang artworks?
Sa umpisa ay pinagkakabit-kabit lang niya ang mga ito gamit ang mahabang bakal bilang framework.
Kalaunan, gumamit siya ng sheet metal na may mga butas at kawad para mapagkabit-kabit niya ang mga hubcaps makapagporma ng pigura.


Paliwanag ni Barnaby sa kanyang proseso: “It’s all held together with zip ties.
“Hubcaps are filled with slots or holes, and so it’s easy to get a hold of them to hold them in place.”
Kabilang sa mga nadisenyo niya ay ang giant fish, malaking ulo ni Snoopy, at Christmas wreaths.
Read: Moviegoer brings traps to rat-infested cinema to enjoy movie
Malalaki ang artworks ni Barnaby na yari sa hubcaps.
Ang ulo ni Snoopy ay may taas na 16 feet at lapad na 21 feet.
Ang dalawang Christmas wreaths na kanyang ginawa ay idinonasyon niya sa city government at sa isang non-profit organization.


Dahil sa kanyang hubcaps artworks, naging popular si Barnaby sa Baltimore.
Madalas, kapag may nakakakita sa kanya, kinakawayan siya o di kaya ay sinesenyasang may ibibigay na hubcap.
Minsan naman ay inihihimatong siya kung saan may nakakalat na maaari niyang damputin.
Masaya si Barnaby na ang kanyang hobby ay nagiging simula ng kanyang interaksIyon at pakikipaghuntahan sa mga residenteng hindi niya personal na kakilala.
“And it’s just something that people love to talk about.”
Read: Ghost apples: The amazing facts behind this phenomenon