Naagapan at naapula agad ang apoy na tumupok sa giant ribbon na Christmas decor sa bahay ng TV host na si Paolo Ballesteros sa Antipolo City.
Ayon sa post ng kapatid ni Paolo na si Chiqui Ballesteros-Belen, mabuti na lamang at may nag-doorbell na kapitbahay kaya naagapan nila ang apoy.
Lahad ni Chiqui, “Pagkatapos maghapunan at magkuwentuhan, may pumuntang kapitbahay sa amin kagabi, sinabing yung ribbon daw, umuusok.”

“Salamat po sa kapitbahay naming kumatok,” dagdag ni Chiqui.

Nagpasalamat sa Diyos si Chiqui na walang anumang nangyari sa kanya at sa mga kapamilya.
“Maaga mang nag-retire ang green laso ng Antipolo, ligtas at sama-sama pa ring magpapasko
“Thank you Lord sa pag-aadya sa aming pamilya.”

Caption pa ni Chiqui (published as is), “thank you po, lord.”
CHIQUI BALLESTEROS RESPONDS TO NETIZENS
Nagkuwento pa si Chiqui sa ilang concerned netizens sa comments section ng kanyang post.
Saad ng isang netizen (published as is), “Buti at gising pa kayo nian..salamat at safe kayo lahat.”
Ayon kay Chiqui, wala raw talagang nakapansin sa kanila ng kapatid na si Paolo na nasusunog na ang kanilang Christmas decor sa labas ng bahay.
Sabi ni Chie (published as is), “tagal namin nagkkwentuhan nila pao after dinner. pagakyat nya, pasok na kami sa mga kwarto.. tapos may nagddoorbell.. ayun umuusok daw. paglabas ko umaapoy na e ambilis.”

Read: Olivia Rodrigo, Louis Partridge call it quits — report
PAOLO BALLESTEROS HOME DECOR
Taong 2020 nang simulan ni Paolo ang tradisyon na maglagay ng giant ribbon bilang Christmas decor sa bandang tuktok ng bahay niya.
Kaya mistulang malaking regalo ang kanyang corner house, kunsaan front and center ang malaking laso.
Kulay pula ito noong 2020.

Maganda rin itong tingnan sa gabi kapag napailawan na.

Gold naman ang kulay nito noong 2021.

At ngayong 2025, kulay berde naman ito.

Read: Paolo Ballesteros turns house into a Christmas present
Wala pang post o anumang reaksiyon si Paolo sa kanyang mga social media sites.