



Desidido na si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson at ang kanyang anak na bilhin ang Miss Universe Organization (MUO), sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng mga may-ari nito ngayon.
Pagbabahagi ni Singson, kasalukuyan siyang nakikipag-usap sa mga dating opisyal na nagpapatakbo sa naturang international beauty pageant para sa posibleng pagbili rito.
Isa raw sa kinausap niya hinggil dito ay ang longtime president ng MUO na si Paula Shugart at vice-president na si Shawn McClain na nakatakdang magtungo sa Pilipinas sa January 2026 para sa kanilang formal meeting.
“Kinausap ko yung mga officials ng Miss Universe dati and they’ll be arriving here next month, I think after the holidays.
“Sila ang magha-handle kasi sila ang sanay diyan,” pahayag ni Singson sa ginanap na press conference ngayong Lunes, December 22, 2025.
Nagsilbing presidente ng MUO si Shugart mula noong 1997 hanggang 2023.
Nang tanungin kung ano ang nag-udyok sa controversial politician-businessman bakit gusto niyang bilhin ang Miss Universe, ang naging sagot niya ay dahil sa sunud-sunod na isyu at kontrobersiyang kinasangkutan nito, lalo na ang isyu umano ng dayaan.
Aniya, “Kasi nagkaproblema ang Thailand, pinagdududahan hindi ata nakabayad, nakipag-partner sa Mexico, nasira din yung last na pa-contest nila, so sabi ko I’m interested to buy.”
Read: Raul Rocha faces drugs, firearms, fuel trafficking charges—report
Wala pang ideya ang dating gobernador kung magkano ang kailangan niyang ilabas na pera para sa pagbili sa Miss Universe, pero handa raw siyang makipag-negotiate sa mga may-ari hinggil sa presyo.
Sabi niya, “Kukunin namin para pagandahin ang Pilipinas, hindi para kumita. Maski malugi kami, basta maganda, okay lang.
“For the country, basta mabalik lang kasi bagsak lahat, e. Bagsak ang industry, bagsak ang tourism, and the worst is bagsak ang foreign investment so, mahirap patakbuhin lahat.”
Read: Raul Rocha “fed up” with Miss Universe 2025 issues
Nabalot ng kontrobersiya ang prestigious beauty pageant ngayong taon, matapos hiranging Miss Universe 2025 ang pambato ng Mexico na si Fatima Bosch.
Nabahiran ng intriga ang tagumpay ni Fatima dahil sa diumano’y pagpabor sa kanya ng kapwa niya Mexican na si Raul Rocha Cantu, ang presidente at may-ari ng 50 percent share ng Miss Universe Organization.


Pag-aari rin ni Rocha ang franchise ng Miss Universe Mexico.
Read: Raul Rocha faces drugs, firearms, fuel trafficking charges—report
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang Thai billionaire na si Anne Jakrajutatip ang bumili sa Miss Universe Organization noong 2022 bago niya ibinenta kay Rocha ang kanyang 50 percent shares.
Read: Anne Jakrajutatip nilinaw ang MUO partnership nila ni Raul Rocha
Si Rocha rin ang isa sa mga nagtanggol kay Fatima nang lantarang hiyain ang dalaga ni Miss Universe Thailand franchise owner Nawat Itsaragrisil sa ginanap na sashing ceremony noong November 4.


Ito ang dahilan ng pagwo-walkout ni Fatima at iba pa niyang kapwa kandidata.
Dahil dito, kinastigo at pinagbantaan ni Rocha na lilimitahan niya ang partisipasyon ni Nawat sa 74th Miss Universe. Humingi naman ng paumanhin ang kontrobersiyal na Thai media personality.
Read: MUO President condemns Nawat’s treatment of Miss Universe Mexico
Hanggang sa dumating ang grand coronation, si Fatima ang hinirang na Miss Universe 2025.
Maraming pageant fans ang nabigla sa kanyang pagkapanalo, lalo na’t matitindi ang mga nakalaban niya sa finals.
Kabilang dito sina Miss Universe Philippines Ahtisa Manalo (3rd runner-up), Olivia Yace ng Côte d’ Ivoire (4th runner-up), Stephany Abasali ng Venezuela (2nd runner-up), at Praveenar Singh ng Thailand (first runner-up).
Read: Pagkapanalo ni Fatima Bosch, nabahiran ng kontrobersiya
Sa gitna ng usaping pandaraya umano ni Fatima, ibinunyag ng French-Lebanese composer na si Omar Harfouch na pineke diumano ang resulta ng Miss Universe 2025.
Si Omar ang isa sa walong miyembro ng Selection Committee ng 74th Miss Universe, pero nagbitiw siya dahil sa akusasyon niyang may dayaang nangyari sa pagpili ng mga finalist.
Mabibigat ang paratang na binitawan ni Omar sa kayang social media accounts, tungkol kay Fatima.
Kabilang na rito ang bago pa man magsimula ang Miss Universe 2025 ay planado na raw na si Fatima ang mananalo dahil kasosyo umano ng ama ng Mexican beauty queen sa negosyo si Rocha.
Bukod pa rito ang umano’y pagkakaroon daw ng lihim na relasyon nina Fatima at Rocha.
Read: Resigned Miss Universe 2025 judge: “Miss Mexico is a Fake winner”