



Tandang-tanda pa rin ni Eric Quizon, 58, kung paano niya diretsahang tinanong si Zsa Zsa Padilla, 61, noong nagsisimula pa lang ang relasyon ng singer-actress sa ama ng aktor na si Dolphy.
IN PHOTOS: Dolphy and Zsa Zsa: Home Along da Manila Bay
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ikinuwento ni Eric na magkaibigan na sila ni Zsa Zsa bago pa naging partner ng huli ang King of Comedy noong late ’80s.
Nasa shooting daw sila ng pelikulang Pahiram Ng Isang Umaga (1988) nang komprontahin ni Eric si Zsa Zsa.
Balik-tanaw ni Eric: “Natatanong ko si Zsa Zsa nang diretso, e.
“I remember there was one time na—I think nasabi ko din ito—na when we were doing a workshop before, nagkaka-rumor na may relationship si Daddy tsaka si Zsa Zsa.
“Tinanong ko talaga si Zsa Zsa. Sabi ko, ‘Are you having… Are you seeing my dad?’
“Ta’s nandodoon din si Ishmael Bernal. Sabi ni Ishamel Bernal, ‘Oh, don’t answer that now. Have lunch first and then you answer that. I don’t want to hear that.'”
Ang yumaong National Artist na si Ishmael Bernal ang direktor ng Pahiram ng Isang Umaga, na pinagbidahan din nina Vilma Santos at Gabby Concepcion.


Kahit na may tensiyon ay swabe raw ang tapatan nina Eric at Zsa Zsa.
“Tapos nung kumakain kami ni Zsa Zsa, may tension konti.
“Pagkatapos sinabi niya, ginanun [binaba niya] yung kubyertos, ‘O, gusto mo malaman?’ Sabi ko, ‘Yeah.’
“Sabi niya, ‘Yeah, I’m seeing your dad.’ ‘Huh? Okay.’ So, tapos!” sabay natawang alaala ni Eric.
Hindi raw naging isyu kay Eric ang relasyon ni Zsa Zsa kay Dolphy.
Mas lalo pa nga raw sila naging malapit na magkaibigan nang maging partner ni Zsa Zsa ang ama ni Eric.
Pagpapatuloy ng actor-director: “Ganun kami ni Zsa Zsa. Kumbaga, sinasabi namin kung ano yung dapat gawin, kung ano yung nasa sa loob namin, sinasabi namin sa isa’t isa.
“Ang maganda kasi sa amin ni Zsa Zsa, dalawang taon lang ang tanda namin, e. Mas matanda lang si Zsa Zsa sa akin ng dalawang taon.
“So, kumbaga, parang kami ni Zsa Zsa, we’re in the same wavelength.”


Read: Eric Quizon reveals how adopted sister waived her 50% inheritance
Umabot ng 23 taon ang relasyon ni Zsa Zsa kay Dolphy.
Pumanaw si Dolphy sa edad na 83 noong 2012.
Pero nanatili pa ring magkaibigan sina Zsa Zsa at Eric.
“Pagka may problema, tatawag yan sa akin. Pag meron akong kailangang i-consult o may problema ako, kay Zsa Zsa ako nagko-consult.
“So, meron kaming ganun ni Zsa Zsa,” sabi ni Eric.
Noong July 10, 2025, nagkasama sina Eric at Zsa Zsa nang bisitahin nila ang mausoleum ni Dolphy sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.
Ipinakita pa ni Eric sa kanyang Instagram post ang video nila ng kapatid niyang si Epy Quizon kasama si Zsa Zsa.
Ipinagmalaki ni Eric na si Zsa Zsa mismo ang naglinis ng paligid ng mausoleum para sa 13th death anniversary ni Dolphy.
Sabi naman ni Zsa Zsa patungkol sa yumaong partner na si Dolphy, “He’s happy in paradise.”