



Sa halip na kasiyahan, sakit sa kalooban ang naramdaman ng isang Grade 7 male student dahil sa nakuha niyang regalo sa kanilang Christmas exchange gift.
Ang natanggap niya ay hollow block at blouse na pambabae.
Ayon sa ina ng bata, tila pangungutya pa sa anak niya ang mumurahing blouse dahil “malambot” umano itong kumilos.
Read: PEP Celebrity-Approved Noche Buena dishes
Ang video na nag-viral ay kinunan mismo ng ina ng bata.
Mapapanood na binuksan ng ina ang regalo na naglalaman ng hollow block, at sa background ay maririnig ang estudyanteng iyak nang iyak.
Makikitang nakipag-usap ang ina sa guro ng bata, at tinanong kung sino ang kaklaseng nakabunot sa pangalan ng kanyang anak.
“Kasi nakakaawa yung anak ko, Ma’am. Ayan, o, iyak nang iyak,” sumbong ng nanay sa guro via call.
Saka sinabi ng ina na hollow block ang laman ng regalo.
“Ang bigat niyan, Ma’am. May asthma yung anak ko, hindi ko pinagbubuhat ng mabigat. Buhat-buhat niya iyan hanggang sa bahay.”
Bukod sa hollow block, ipinakita ng ina ang kasamang blouse na pambabae.
Maririnig ang paghagulgol ng bata na pinapakiusapan ang inang i-chat ang guro nito.
Sinabi ng ina na dadalhin niya ang regalo sa school.


Read: Man eats 1,000 sardines in a month; now smells like a fish market
Nagkuwento rin sa post ng GMA Public Affairs nitong December 20, 2025, ang inang si Evelyn ukol sa masaklap na sinapit ng kanyang anak.
Aniya, hindi makatao ang sinapit ng anak mula sa kaklase.
Nangyari raw ang exchange gift nila noong December 18.
Sabi ng ina, isinulat ng mga bata ang kanilang wish list para sa exchange gift. Ang napagkasunduang budget para sa regalo ay PHP100.
Shuttlecock daw ang hiniling ng kanyang anak, na sobrang excited matapos makita ang nakuhang regalo na pagkabigat-bigat.
Yun pala, “prank” at pangungutya ang makukuha niya.
Inulit ni Evelyn ang himutok niya sa viral video: “Alam ko pong malambot ang anak ko at tanggap po namin iyon. Hindi ko po matanggap, Ma’am, is yung naglakad siya pauwi bitbit yung napakabigat na hollow blocks. Sinamahan pa nila ng damit na pambabae? ‘Wag naman po sana gano’n,” pahayag ni Evelyn sa GMA.
“Mahal po namin iyan, hindi po namin sinasaktan iyan dahil iyan po ang nagpapasaya sa amin at anak ko iyan.”
Pinatawag daw sila ng paaralan noong sumunod na araw, December 19.
Nag-sorry umano ang guro ng bata pati na rin ang magulang ng kaklaseng nagregalo ng hollow block.
Naawa ang mga netizens sa sinapit ng anak ni Evelyn.
Sabi ng isang nagkomento (published as is), “regaluhan nlang kita.”
May nag-iwan ng paalala: “Holidays are meant for spreading joy, not pranks. It’s essential to choose gifts that resonate with the recipient, especially kids.”
Nakakadismaya raw na makakita ng batang umiiyak sa panahon na dapat ay masaya sila.
Alam daw kaya ng mga magulang ang nangyari?
Sabi ng isang nag-comment (published as is), “Hindi manlang nag guide ang magulang sa batang nag regalo sa kanya.. Grabe”


Dagdag na comment (published as is): “dapat may accountability magulang o guardian nung nagbigay ng hollow block seryoso ba hindi na notice na hollow block binabalot ng anak niya na pang exchange gift?”


Nakisimpatiya ang netizen na ito (published as is): “ang sakit talaga tanggapin na imbis na kasiyahan ang matanggap mo sa araw ng palitan ng mga regalo, sakit at pagka dismaya natanggap…”
Mungkahi niya ay ireklamo sa DepEd ang ginawang pambu-bully sa bata.
Agree ang netizen na ito (published as is): “pambubully na po yan sa kanya kaht pa savhin half half ang kasarian ng isang tao wag naman ganyan”
May nagsabi ring sa guidance office magreklamo: “Pwede nyo ireklamo sa guidance ang nag reklamo para madisiplina.”


Saad ng isa pa, “Kawawa naman. Tsk tsk.. ang sakit sa dibdib.. bilang nanay.. na ganyan ang mararamdaman ng anak mo..”


May follow-up video na inilabas ang ina.
Makikita rito ang batang nagpakilala bilang si “Ram” na mas masaya.
Dumagsa kasi ang maraming regalo mula sa netizens.
Nagpasalamat siya sa mga natanggap at bumati ng Maligayang Pasko.

