



Handang-handa na ang celebrity couple na sina Vice Ganda at Ion Perez na magkaroon ng sarili nilang anak sa pamamagitan ng surrogacy.
Ang surrogacy ay isang legal agreement kung saan pumapayag ang isang babae na maging surrogate mother sa donor/s na magiging magulang ng sanggol matapos ipanganak.
Sa panayam ni Vice sa YouTube vlog ni Karen Davila nitong Huwebes, December 18, 2025, kinumpirma ng TV host-comedian na kumonsulta na sila ni Ion sa doktor para sa proseso ng pagkakaroon ng anak.
Read: Vice Ganda inquires about surrogacy in U.S.
Ayon kay Vice, matagal na nila itong plano ni Ion ngunit naaantala lang dahil sa dami nilang trabaho.
Ngunit kamakailan ay nagdesisyon na raw silang pagtuunan ito ng pansin dahil sa pangamba ni Vice dala ng kanyang edad ngayon na 49.
“Gusto talaga namin. Nag-consult na ako sa doctor. Pinaplano na nga,” sabi niya.
Read: Vice Ganda, naging health conscious dahil kay Ion Perez
Sa pag-uusap nila ni Ion, si Vice ang sasailalim sa naturang procedure kaya kailangan niya itong paghandaan—kabilang na ang pagpapahinga ng tatlong buwan.
Saad niya: “Sa aking sperm [yung kukunin]. Sabi niya [ni Ion], ‘Yung sa iyo na lang….mas matalino yung sa yo.’
“Pero I was told na, ‘You will have to rest for three months.’
“Sa age ko, kailangan healthy ang aking mga [sperm]. Kung stress daw ako, hindi raw healthy yung sperm.
“So, para makasiguro kang healthy yan—yung maiipon natin na healthy, kailangan masaya yung utak mo, relaxed ka.
“Kasi kung pagod ang katawan mo at yung utak mo pa pagod, e, hindi tayo sure.”
Nang malaman ito ni Vice ay nagdalawang-isip daw siya kung kaya ba niyang mawala sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime ng tatlong buwan.
Nangangamba raw siya sa maaaring mangyari sa programa kung sakaling mawala siya nang ganoon katagal.
Read: It’s Showtime hosts give PHP1M to calamity victims
Pahayag niya: “Kung kita’t kita lang rin naman, parang kaya ko naman magpahinga for three months. But I cannot leave It’s Showtime.
“Hindi dahil yun sa kita ko na mawawala, ha.
“Hindi naman sa pagmamayabang, pero sa sobrang pagmamahal ko sa It’s Showtime, parang, ‘What’s going to happen to It’s Showtime if i’m not there for three months?’
“Ayun nga lang isang linggong wala ako, di ba? Nauunawaan ko kung bakit ako tinatawagan ng management.
“Nauunawaan ko kung bakit yung mga tao rin nagtu-tweet na, ‘Nasan ka na? Ayaw namin manood kapag wala ka.’
“Na-appreciate ko naman yon. Pero sa sobrang pagmamahal ko din doon sa pamilyang iyon, ang hirap silang iwanan.”
Dagdag pa ni Vice: “Hindi nila kasalanan, ha? Kasalanan ko ito, sa akin yun. Grabe ko kasi silang mahal.
“Kapag wala nga ako sa trabaho, naka-monitor ako, e.
“Habang nasa shooting ako ng pelikula, habang nasa shooting, naka-monitor ako.”
Sa ngayon, naglalaban daw sa isip at puso ni Vice ang pagmamahal niya sa programa at kagustuhan niyang magkaroon ng sariling anak.
“Kailangan ko talagang magdesisyon at kumbinsihin yung sarili ko na, ‘You have to let go It’s Showtime for three months,'” aniya, kung gagawin ang surrogacy.
Dagdag pa ni Vice: “I want kids because I love kids.
“Gusto kong magmahal ng bata. Gusto kong yumakap ng bata. Gusto kong mahalin yung bata.
“Gusto ko rin tumanggap ng pagmamahal doon sa bata.”
Ikinasal sina Vice at Ion noong October 2021, matapos maging magkarelasyon noong 2019.


Masaya nilang ipinagdiwang ang kanilang 7th anniversary noong October 2025.