



Enjoy na enjoy ang rumored couple na sina Klea Pineda at Janella Salvador sa kanilang Christmas vacation sa Los Angeles, California.
Sa Instagram noong December 14, 2025, nag-upload si Klea ng mga larawan nila na namamasyal sa Pacific Park sa Sta. Monica Pier sa California.


Sa isang video, makikitang sinusubuan ni Janella si Klea habang kumakain sa labas ng isang restaurant.


Sabi ni Klea sa caption ng kanyang post, “Just letting the day happen.”
Read: Derek Ramsay, nagbakasyon sa U.K. kasama ang anak na si Lili
Noong December 18 naman, si Janella ang nag-post ng ganap nila sa kanilang bakasyon.
Makikita sa carousel of photos kung saang mga lugar sila nagpunta upang kumain at magkape.
Sabi ni Janella sa caption, “La la land feels like home.”
Sa dulong bahagi ay makikita ang sweet photo ng dalawa.


Komento ni Klea na waring tinutukoy si Janella, “Naaaahhh, I’m home.”


Sa bagong post ni Klea sa Instagram nitong nakaraang December 10, makikitang may photo booth photo sila ni Janella na may iba’t ibang pose.
Caption lamang niya ay smile emoji.
Read: Miss Cosmo 2025 is USA; Chelsea Fernandez is first runner-up
Wala pa ring direktang pag-amin sina Janella at Klea tungkol sa totoong estado ng relasyon nila.
Pero madalas ang public sightings nilang magkasama matapos gawin ang pelikulang Open Endings, na tumatalakay sa sapphic relationship.
Ang sapphic ay nangangahulugang “sexual attraction or activity between women.”
Huli silang spotted na magkasama sa isang tattoo studio noong October 16, 2025.
Read: Janella Salvador, Klea Pineda spotted together at tattoo studio